Font Size
Hosea 4:2-4
Magandang Balita Biblia
Hosea 4:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Sa halip ay laganap ang pagtutungayaw at pagsisinungaling,
pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya.
Nilalabag nila ang lahat ng batas
at sunud-sunod ang mga pamamaslang.
3 Kaya't nagdadalamhati ang lupain,
nalulumbay ang lahat ng naninirahan dito.
Halos malipol ang mga hayop sa parang,
ang mga ibon sa papawirin,
at ang mga isda sa dagat.
Ang Paratang ni Yahweh Laban sa mga Pari
4 “Gayunma'y huwag magbintang ang sinuman,
at huwag usigin ang iba,
sapagkat ang hinanakit ko'y laban sa inyo, mga pari.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.